Tuesday, December 10, 2019
What Is History Example For Students
What Is History? 1.Ano ang Kasaysayan? Ang kasaysayan ay mga nakatakdang pangyayari na naganap sa nakaraan tungkol sa isang tao, institusyon o lugar. Ang kasaysayan ay nagsisilbing paalala at tulong sa atin upang maging mabuting mamamayan. Makatutulong din sa bawat Pilipino na maging mabuting bahagi ng kasaysayan ng bansa. 2. Sino ang mga unang historyador? Herodotus, kilalang ama ng kasaysayan. Masasabi rin na siya ang nagpasimuno ng sistematikong paraan ng pagsusulat ng kasaysayan. Ang paraan niya ay ang pangangalap ng materyales at tingnan kung tugma ang mga ito bilang naratibo. Kahit hindi laging tumpak ang kanyang gawa, sinasabi lamang niya na isinusulat lamang niya ang ano ang kanyang natagpuan. Thucydides, historyador na nagsulat ng libro ukol sa laban ng Sparta at Athens. Di tulad ni Herodotus, siya ay sumangguni sa mga nakasulat na dokumento at nagpanayam ng mga katauhan ng pangyayari. Siya rin ang nagsimula ng scientific approach sa pagtatala ng kasaysayan. 3. Paano pinag-aaralan ang kasaysayan? Noong simula, ang paraan ni Herodotus ay ang pangangalap ng mga records at pagsama-samahin ito para makabuo ng tala ng kasaysayan. Si Thucydides naman ay nagsasagawa ng mga panayam sa mga taong may kinalaman sa pangyayari. Ngayon, para pag-aralan ang kasaysayan, ang historyador ay naghahanap ng ebidensya ukol sa history, pag-aaralan and ebidensya na ito, unawain ang epekto ng ebidensya na ito sa kasaysayan ng pinag-aaralan. 4. Kailan naging disiplina ang kasaysayan? Noong panahon nila Herodotus, historyador and tawag sa kanila dahil ang pagsulat ng kasaysayan ang kanilang ginagawa. Masasabing disiplina ito noong panahan pa na iyon dahil sa pagkaroon ng sistemang paraan ng pag-aral dito. 5. Saan umusbong ang kasaysayan? Sa Greece ito umusbong dahil kay Herodotus, ang ama ng kasaysayan. 6. Anu-ano ang mga unang paksa sa kasysayan? Mga digmaan ang pinagusapan ng unang mga historyador tulad ni Herodotus at Thucydides. 7. Anu-ano ang mga larangang kaugnay sa kasaysayan? Anthropology, Philosophy, Economics, Geography, Religion, Art, Literature, Political theory, Military history, Cultural history B. COMPREHENSION 2.1. Bakit nila naisipan pag-aralan ang kasaysayan? Unang-una, ito ay tumutulong sa atin para mas maunawaan at maintindihan ang mga ibaââ¬â¢t ibang lipunan at mga klase ng tao. Nagbibigay rin ito sa atin ng ââ¬Å"factualâ⬠na informasyon kung paano tayo naging isang lipunan, at naibabase rin dito ang kaalaman na kailangan natin para kung nais rin natin subukan hulaan ang ating kinabukasan. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nagsisilbi ring isang libangan para sa mga ibang tao na mahilig makinig ng ibaââ¬â¢t ibang isorya ng paglalakbay at ââ¬Å"developmentâ⬠ng o sa lipunan. Nagbibigay rin ito ng identidad at moral na pang-unawa sa mga pangyayari sa buhay ng tao, nagiging kagamitan rin ito para sa pag sasaliksik at paglilikha ng mga moral o ââ¬Ëdi-moral na desisyon. 2.2. Paano sila naging kapani-paniwala? Naging kapani-paniwala ang mga historyador dahil sa kanilang papel at mga istoria na naiintindihan at pinaniniwalaan ng mga masa. Dahil ang masa nga lang naman ang pwede talaga manghusga kung may katotoohan ba talaga o wala, yong sinusulat o kinikwento ng isang historyador. Dagdag pa rito, nangalap ng mga ebidensya ang mga historyador at sumangguni sa ibaââ¬â¢t ibang tao upang maitala lamang ang mga nangyari sa nakalipas. Mas nagkaroon ng katotohanan ang kanilang mga tala dahil sa mga sangguniang ito. 4.1. Bakit naging displina ang kasaysayan? Dahil ang simple at walang istraktura na pag-aaral ng kasaysayan ay hindi sapat kumpara sa mga madami nitong mabuti na naidudulot at sa dami ng tao na mahilig mag-aral ng kasaysayan. Napakadami nitong gamitââ¬âhindi sapat ang simple, walang direksyon na pag-aaral lamang, at sa sobrang lawak ng kasaysayan, kinakailangan ng mahusay na pag-aaral kung paano sumulat ng kasaysayan. Halimbawa hindi makakapagbigay ng desisyon ang isang presidente hanggang hindi nââ¬â¢ya ito tinitignan, kung ano ang mga naidudulot nito. 4.2. Paano ang isang paksa ay nagiging bahagi ng kasaysayan? Ano ang mga pagbabago sa pananaw ng kasaysayan noong nagging disiplina ito? Ano ang epekto ng pagiginga disiplina ng kasaysayan? Sa buong mundo, ang pag-aaral ng kasaysayan ay isang importanteng elemento sa pagkuha ng edukasyong liberal arts. Ang kaalaman sa kasaysayan ay kailangan upang maintindihan natin ang mga satili natin at kung saan tayo nababagay sa mundo. Bilang disiplina, ang kasaysayan ang pag-aaral sa nakaraan. Mga historyador ay siyang mismo nag-aaral at nag-iinterpret sa mga nangyari sa nakaraan. Upang gawin ito dapat nilang makahanap ng ebidensya tungkol sa nakaraan at beripikahin ang impormasyong nakalap at hanapin ang tamang eksplenasyon na maari maging sagot sa tanong na nanggaling sa mga ebidensya. Ang impormasyon na ito ay maaring tungkol sa mga tao, pangyayari, lugar at mga ibaââ¬â¢t ibang kapanahunan at mahirap kalapin at pag-aaralin ang mga ito. Dahil dito, napag-isipan ng mga historyador na gumawa ng ibaââ¬â¢t ibang espesiyalidad na nag-coconcetrate lamang sa isang paksa ng kasaysayan sa loob ng disiplina nito. Naging mas malawak at mas kontrolado ang pag-aaral ng kasaysayan. Ito ay nagbigay ng parang guideline o gabay upang makakamit ng mas kapani-paniwala at mas intelektwal na tala ng mga nangyari sa nakaraan. Maaring pag-aaralin ng mga historyador ang mga grupo ng tao (katulad ng mga Asyano o ang mga babae sa E uropa), pwede rin silang magsaliksik sa mga pangyayari noon (katulad ng 2010 eleksyon, o ang ikalawang pandaigdigang digmaan), pwede rin ang isang lugar (katulad ng Mactan Island o mga territorya ng Roman Empire noon) O pwede rin ang paghahalo ng ibaââ¬â¢t ibang paksa upang makabuo ng pananaliksik na mas comprehensibo at mas may impormasyon (katulad ng Medieval History o ung Kasayasayan ng Pilipinas). Nasa baba ang listahan ng itinuturing pinag-aaralang paksa ng kasaysayan sa loob ng saklaw ng AghamPanlipunan kung saan dito nagiging disiplina ang kasaysayan. 1. Antropolohiya tumatalakay sa sangkatauhan at ang mga pinanggalingan nito 2. Agham Pampulitika tumatalakay sa pagtakbo ng pamahalaan at ang mga batas na sinusunod ng tao. (ang pamahalaan noon hanggang ngayon) 3. Sikolohiya pag-aaral sa pag-iisip ng mga tao; mga ideolohiya ng mga sinaunang tao 4. Pilopsopiya pag-aaral sa pagtuklas ng katotohanan; mga pamantayang moral 5. Ekonomiks kung papaano tinugunan ng tao ang kanilang mga pangangailangan; kung paano nagsimula ang kalakalan; ang pagkakaroon ng pera bilang midyum ng pagpapalitan 6. Teolohiya mga pag-aaral ng relihiyon; mga relihiyon na pinagbabatayan ng mga batas 7. Sosyolohiya pag-aaral sa kapaligiran ng tao (lipunan); kung paano namuhay ang mga tao sa isang tiyak na lugar 8. Heograpiya tumutukoy sa teritoryo; ang pisikal na kaanyuan ng isang lugar Maliban sa pag-control at paglawak ng saklaw ng pag-aaral tungkol sa kasaysayan, ang mga historyador din ay nakagawa ng ibaââ¬â¢t ibang paraan upang masagot ang mga tanong ng nakaraan. Halimbawa, pwede nilang tignan ang mga diskurso tungkol sa cultural at relihiyosong relasyon ng mga kasaysayan ng mga tao na pinag-aaralan nila. O kaya ang pang-economic at pampolitikang kasaysayan ng isang bansa, pwede rin ung tala tungkol sa pag-aaral ng paligiran ng isang lugar sa kapanahunan ng modernisasyon. Dahil, iba iba ang mga paraan ng mga historyador upang manaliksik at magsulat ng kasaysayan at dahil nagbibigay ng ibaââ¬â¢t ibang perspektibo at ibaââ¬â¢t ibang tanong ang indibidwal na historyador, masasabi natin na ang interpretasyong historical ay palaging nagbabago at nag-iiba para sa ikabubuti nito. Ang kasaysayan ngayon ay maituturing na ngayon na ââ¬Å"dynamicâ⬠at ââ¬Å"evolvingâ⬠. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay hindi na tungkol sa mga ââ¬Å"factsâ⬠at mga petsa, ang pag-aaral nito ay tungkol na sa pag-intindi sa kung paano basahin at i-interpret ang nakaraan. Dahil ang pagbigay ng atensyon tungkol dito ay siyang importanteng part ng pag-unlad ng buhay ng ating lipunan sa mga susunod na henerasyon. References: http://www.katig.com/english-D.html http://www.historians.org/pubs/Free/WhyStudyHistory.htm http://www.maybenow.com/Ano-ang-kasaysayan-at-kahalagahan-nito-q14094881 http://www.edge.org/3rd_culture/diamond/diamond_p2.html Meningitis : What Is The History Of The Disease, Where Was It First Discovered?1. Be observant. There are a lot of things going on in the surroundings, and some of them might have really big impacts on current issues and stances. 2. Try keeping a record of important events. These events should be significant to the historian or to the society heââ¬â¢s moving in. One can try making portfolios of cutout newspaper articles, or writing reactions and essays about those articles. Or even pictures can be collected in albums so that one can re-view them in the future. 3. Write about debates and take a stand. When immersed in a serious debate, one must rely on actual data published, written, or oral. Historians can never reason out with pure hypothesis only. When one writes about debates, he employs his mind to think critically and find deeper meanings of the various arguments presented. 4. Be detached from what you will write. Nothing can affect history greater but personal biases. As much as possible, reason out from clear, concise logical steps rather than just judging through emotions. Reference http://cliopolitical.blogspot.com/2005/08/introduction-to-historical-method_26.html M,Hughes-Warrington. How Good An Historian Shall I Be. Imprint Academic, 2003. http://ocw.mit.edu/courses/history/21h-931-seminar-in-historical-methods-spring-2004/index.htm F. EVALUATION 1. Tama bang ituring na disiplina ang kasaysayan? Dapat nga ituring na disiplina ang kasaysayan. Mayroong ibat ibang dahilan para suportahan ang pagiging disiplina ng kasaysayan. Isang dahilan ay para maintindihan natin kung pano nag-iisip ang mga tao. Hindi lahat ng mga nangyayari sa kasalukuyan ay magbibigay ng malalim na pagkakaintindi kung paano kumikilos ang mga tao. Kailangan din pag-aralan ang mga nangyari nung nakaraang panahon para mabigyan tayo ng mas mabuting tingin sa pamumuhay ng mga tao noon at ikumpara ito sa pamumuhay ngayon. Makikita dito kung ano ang mga nangyari noon para umabot ang mga tao sa kinaroroonan nila ngayon. Isa pang dahilan ay para magbigay ng identidad sa ibat ibang lahi sa buong mundo. Pag-aaralan ang mga nakaraan ng bawat pamilya para malaman kung may mga mahahalagang nagawa ang mga ninuno at kung makakagawa ng bagong identidad batay sa mga natutunan. 2. Makabubuti ba ang pag-aaral ng kasaysayan sa mga tao? Totoong makabubuti ang pag-aaral ng kasaysayan sa mga tao. Isa katwiran nito ay ang pagiging mas mabuting tao dahil sa kasaysayan. Kung pinapag-aralan ang kasaysayan ng sariling bansa, mas mabibigyan ng pagpapahalaga ang kultura ng bansa. Hindi lang sa pagiging nasyonalismo ang pagbabago na mararanasan ng mga tao. Pwede rin gumaling ang mga tao sa mga kakayahan nila tulad ng pagtatasa. Kaugnay din dito ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga tao gamitin ang kanilang natutunan tungkol sa kasaysayan para makakuha ng trabaho. Isa pang katwiran nito ay ang pagtulong ng kasaysayan ng sariling bansa o ibang bansa sa paglutas ng mga problema ng bansa. Isang halimbawa nito ang EDSA Revolution. Ipinakita nung pangyayari na yun na kaya ng mga tao tumapos ng problema kahit walang giyera.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.